Martes, Enero 24, 2017

Bakit Nga Ba Mahalaga Makapagtapos Ng Pag-aaral

BAKIT NGA BA MAHALAGA MAKAPAGTAPOS NG PAG-AARAL:

1. MAGKAKAROON NG MAGANDANG TRABAHO
- Pag natapos mo ang iyong pag-aaral magkakaroon ka nang oppurtunidad na makapg trabaho sa isang magandang companiya.
2. MAIBABALIK MO ANG PINAGHIRAPAN NG IYONG MAGULANG
- Matutulungan mo ang iyong mga magulang, at masusuklian mo ang lahat ng kanilang paghihirap na pag aralin ka.
3. ANG IYONG SARILING PAMILYA AY MAGIGING MAGANDA ANG PAMUMUHAY
- Magkakaroon ka nang pamilyang maayos. Ang iyong mga anak ay makakapag-aral rin at makakapagtapos, ang iyong asawa ay magkakaroon ng marangyang buhay at ang iyong magiging buhay ang magiging payapa at iwas sa mga problema.
4. MAGKAKAAROON KA NG IPAGMAMALAKI
- Hindi ito pagmamayabang, kundi maipapakita mo sa mga tao na may natapos ka at napag-aralan. At hindi ka basta-basta mamaliitin lamang.

Paano Maging Isang Mabuting Mag-aaral

PAANO MAGING ISANG MABUTING MAG-AARAL:

1. MAG FOCUS SA PAG-AARAL
- Isipin ng mabuti na kailangan mong makapagtapos ng pag-aaral. Mag focus lang at ikaw rin ay makakapagtapos.
2. TIME MANAGEMENT
- Hindi maiiwasan na magkaroon ng ibang gawain bukod sa pag-aaral. Upang hindi maapektuhan ang iyong pag-aaral sa iyong mga ibang gawain, dapat kang matuto ng time management.
3. MAGING MASIPAG
- Walang patutunguhan ang iyong buhay kapag ikaw ay hindi mag sisipag na makapg-aral ng mabuti.
4. MAGING MATIYAGA
- Katulad ng aking sinabi sa pagiging masipag. Kung hindi ka mag tiya-tiyaga sa pag-aaral wala rin mangyayaring maganda sa huli.
5. UMIWAS SA MGA MAKAKASAMA SA PAG-AARAL
- Umiwas sa mga "Bad Influence" at wag gawin ang mga ipinagbabawal na mga bagay upang hindi magkaroon ng problema sa iyong pag-aaral. At nang ikaw ay makapagtapos.
6.MAKINIG SA MAGULANG
- Dahil napagdaanan na nila ang ating mga napagdaanan mas marami silang alam sa mga bagay-bagay at mas marami ang kanilang "experience", mas lalo na pagdating saa pagiging mabuting mag-aaral. Kaya parati silang sundin. Dahil hangad lamang ng ating magulang ang makakabuti para saatin.

Mga Nararanasan Ng Isang Mag-aaral

MGA NARARANASAN NG ISANG MAG-AARAL:

1. PAG KILALA SA IBANG TAO
- Dahil kailangan mong makisalamuha sa ibang tao, kailangan mo silang kilalanin upang magkaroon kayo ng maayos na samahan.
2. PAGKAKAROON NG CONFIDENCE SA SARILI
- Hindi naman kasi laging andyan ang iba para sayo, kailangan mo ring matuto ng sarili mo lamang.
3. PAGKAKAROON NG BAGSAK NA GRADE
- Lahat naman ng mag-aaral ay nararanasan ito, nasasaiyo na lamang kung gagawa ka ng paraan upang makabawi. Kailangan mo lamang ng sipag at tiyaga upaang makabawi sa bagsak mong grade.
4. PAGKAKAROON NG TAMPUHAN SA MGA KAIBIGAN
- Hindi ito maiiwasan magkakaibigan. Hindi minsan nagkakaintindihan at nauuwi lamang sa tampuhan ngunit sa huli ay naayos ang tampuhan at nag kakaayos din.
5. PAGKAKAROON NG KAAWAY
- Hindi maaalis ang pagkagusto ng isang tao na umangat kaysa sa iba kung kaya't hindi ito maiiwasang mangyari.
6. PAGIGING STRESS
- Nagiging stress ang mga estudyante dahil sa mga gawain sa school at pati na rin sa kanilang mga bahay. Kung kaya't kailangan matuto ang mga estudyante ng time management upang magawa ng maayos ang kanilang mga gawain.

PAKSA: Pakikipagsapalaran bilang mag-aaral

PAKSA: Pakikipagsapalaran bilang mag-aaral


- Itong blog na ito ay tungkol sa mga nangyayari sa lahat ng mag-aaral ngayong henerasyon. At kung bakit kailangan nating matapos ng pag-aaral.







IPINASA NI:
GENE ANDREA CORPUS
IPINASA KAY:
Bb. MERIAM DE VERA